Idineklara ng Korte Suprema na awtomatikong nagtatapos ang bisa ng Special Power of Attorney (SPA) kapag namatay ang taong nagbigay nito.
Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, sinabi ng Third Division ng Supreme Court na anumang kilos ng agent matapos ang kamatayan ng principal ay walang bisa—maliban kung pasok sa limitadong exemptions ng batas.
Kaugnay ito sa kaso nina Jessica Uberas at San Miguel Foods Inc. matapos gamitin ni Jessica noong 2003 ang SPA ng kanyang yumaong ama para isanla ang ari-arian.
Giit ng SC, tapos na ang bisa ng SPA nang pumanaw ang ama noong 1998.
Gayunman, kinilala ng korte na balido ang isinagawang mortgage at foreclosure pero limitado lamang ito sa bahagi ng ari-arian na pag-aari ni Jessica bilang co-owner.
Muling iginiit ng SC na kapag namatay ang principal, awtomatikong nagwawakas ang kapangyarihan ng agent.