Inilabas na ngayon ng Supreme Court (SC) ang full decision at separate opiniions sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020.
Ito ay ilang buwan matapos ilabas ng kataas-taasang hukuman ang dalawang bahagi ng naturang batas bilang unconstitutional.
Siyam na critical questions naman ang kinilala ng SC bilang core issues sa 235 na pahinang resolusyon.
Idineklara naman ng Korte Suprema ang “Not intended Clause” sa probisyon ng Section 4 at ang second mode ng designation sa ilalim ng Section 25 bilang unconstitutional.
Inatasan na rin ng high court ang Court of Appeals (CA) na agad bumalangkas ng rules para sa judicial prescription na mayroong objective na mapanatili ang karapatan ng mga grupo, asosasyon at organisasyon.
Kung maalala, ilang human rights groups, mga abogado at estudyante ang nagpahayag ng kanilang pagkontra sa desisyon ng SC at marami raw dito ang hindi naideklarang unconstitutional.
Nasa 37 petitions ang humirit sa SC para kuwestiyunin ang naturang batas at nagkaroon pa ng ilang beses na oral arguments.
Kung maalala, noong Hulyo 2020 nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-terror bill para maging ganap na batas.