Jordan Clarkson/ Photo courtesy of Asian Games website

Siniguro ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na kumikilos ang kanilang hanay para makuha ang serbisyo ni Fil-Am guard Jordan Clarkson para sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 2019 World Cup sa China.

Ayon kay SBP vice chairman Ricky Vargas, tahimik umano silang nakikipag-ugnayan sa FIBA para kay Clarkson.

Ngunit hindi na inilahad ni Vargas, na chairman din ng PBA, ang mga partikular na detalye sa nasabing proseso.

Target ng mga sports officials ng bansa na mapabilang si Clarkson sa line-up ng Gilas upang maipagtambal sila ni naturalized center Andray Blatche para sa sinasabing “dream team” ng bansa.

Inaasahan ding malaki ang maitutulong ng Cleveland Cavaliers star para sa national team lalo pa’t kagrupo ng bansa ang mga European powerhouse na Serbia at Italy, maging ang Angola.

-- Advertisement --