Inilabas na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang listahan ng mga manlalaro na sasabak sa kauna-unahang FIBA Esports Open.

Binubuo ito nina Rocky Braña, Philippe Alcaraz IV, Clark Banzon, Al Timajo, Aljon Cruzin, Rial Polog Jr., at Custer Galas.

Gaganapin ang nasabing laro mula June 19-21 kung saan gagamit ang FIBA ng NBA 2K style.

Itinatag ng FIBA ang nasabing Esport para hindi mawala ang laro na basketball.

Mula kasi noong Marso ay natigil ang mga laro sa NBA dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus.