-- Advertisements --

May mga panuntunan ng inilabas ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa pagbabalik na mga laro sa bansa.

Ayon sa SBP, na ang nasabing guidelines ay galing sa inilabas na panuntunan ng FIBA.

Paglilinaw nila na ang nasabing guidelines ay walang intensiyon na palitan ang mga panuntunan na ipinapatupad ng gobyerno at Department of Health.

Ilan sa mga nakasaad sa panuntunan ay ang paglimita lamang sa 90 minuto ang training sessions ng mga koponan.

Nararapat rin na magdala ng sariling sasakyan at bawal na sumakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga manlalaro para malayo silang mahawaan ng coronavirus.

Kasama rin dito ang regular na pagsasailalim sa coronavirus testing sa mga manlalaro at mga staff.

Magugunitang noong Marso ay kinansela ang mga laro sa PBA at ilang basketball league sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng coronavirus sa bansa.