-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Miguel Beermen para makuha ang kampeonato ng PBA 49th Season Philippine Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang TNT 105-91 at nakuha ang kalamangang na 3-1 na bentahe sa best-of-seven-finals sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Jericho Cruz na nagtala ng 23 points habang mayroong 16 points si CJay Perez at 15 points at 12 rebounds naman si June Mar Fajardo.

Sa simula ng laro ay hawak pa ng TNT ang kalamangan 14-2 subalit pagtapos ng halftime ay nabaligtad na ang sitwasyon at nakuha ng Beermen ang kalamangan 45-37.

Aminado si Beermen coach Leo Austria na naging mabagal sila sa simula subalit desidido ang kaniyang mga manlalaro na ipanalo ang laban.

Nasayang naman ang nagawang 23 points at limang assists ni Jordan Heading para sa TNT.