-- Advertisements --

Pumirma na sa kontrata sa Chicago Bulls si Japanese point guard Yuki Kawamura.

Inanunsiyo ng Bulls ang nasabing balita matapos ang matagumpay na paglalaro nito sa NBA Las Vegas Summer League.

Ang 24-anyos na Japanese point guard ay naglaro sa Memphis Grizzles noong nakaraang season.

Naglaro ito ng limang laor sa Bulls sa Summer League kung saan mayroon itong 10.2 points, 6.2 assists, 2.4 rebounds at 2.2 steals kada laro.

Noong nakaraang season ay mayroon itong average na 1.6 points, 0.9 assists sa loob ng 22 laro sa Memphis.

Kasabay din ay inanunsiyo ng Bulls ang pagpapakawala nila kay Jahmir Young paramakuha si Kawamura.