-- Advertisements --

Pinigilan ng TNT Tropang 5G na tuluyan ng makuha ng San Miguel Beermen ang kampeonato ng PBA 49th Seaseon Philippine Cup Finals.

Ito ay matapos na talunin ng TNT ang Beermen 86-78 sa laro na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.

Dahil dito ay nadala ng TNT ang laro sa Game 6 kung saan mayroon na silang dalawang panalo habang ang Beermen ay mayroong tatlo sa kanilang best of seven finals.

Bumida sa panalo ng TNT si Brandon Ganuelas-Rosser na nagtala ng 18 points at limang rebounds at 14 points naman ang naitala ni Kelly Williams.

Inamin ni TNT coach Chot Reyes na naging matinding ang laban ganun din ang mga ipinakitang depensa nila laban sa Beermen.

Nasayang naman ang nagawang 20 points ni Jericho Cruz, habang mayroong 15 points at limang rebounds si Marcio Lassiter samantalang 13 points at 13 rebounds naman ang naitala ni June Fajardo para sa Beermen.