Ikinalungkot ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang desisyon ng organizers ng Southeast (SEA) Games na hindi pagsama sa Gilas Pilipinas sina Justin Brownlee , Michael Philips ,Remy Martin at Brandon Ganuelas-Rosser.
Ang nasabing delay ay nagdulot kay Gilas coach Norman Black na maisapinal ang lineup para sa ensayo nila sa laro na magsisimula sa Disyembre 13 sa Thailand.
Iginiit ng organizers ang tradisyunal na “passport only” at pagbawalan ang naturalized players.
Nagbunsod ang nasabing paghihigpit matapos ang ginawang pag-abuso ng Cambodia ng pinaglaro nila ang anim na bagong kuha at dineklarang naturalized player para makapasok sa finals ng 2023 SEA Games.
Sina Philips at Rosser ay binawalan na maglaro dahil sa nakapaglaro na sila sa nagdaang SEA Games habang inaaral pa ang status ni Martin.















