Tila hindi pa natatapos ang mga pasabog ni dating Ako Bicol Party List Rep. Zaldy Co laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr at dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa kanyang bagong video message , nagpasalamat ito sa publiko dahil sa naging pagtanggap sa kanyang mga naunang video expose .
Muling binigyang diin ng dating mambabatas na hindi ito makakabalik ng Pilipinas dahil sa banta sa kanyang buhay.
Ibinunyag rin ni Co ang umano’y pagpaplano ng kasalukuyang administrasyon na palabasin na siya ay isang terorista sa loob at laban sa bansa.
Layon umano ng hakbang na ito na ilibing siya kasama ang katotohanan saan man ito magtungo.
Nanindigan rin ito na mahalagang malaman ng publiko ang buong katotohanan kasabay ng pagpapasalamat nito sa pakikinig ng publiko.
Itinanggi rin ni Co ang impormasyon na napunta sa kanya ang umano’y P21-B na napunta sa kanya taliwas sa naunang pagbubunyag ng ICI at ni Henry Alcantara.
Aniya, wala siyang natanggap na ganitong uri ng halaga.
Sa katunayan aniya,mula 2022 hanggang taong 2025, ang kabuuang pera na dumaan sa kanya para ibigay kay PBBM at kay dating speaker Martin Romualdez ay umanoy sa P56-B .
Paliwanag nito na hiwalay pa sa naturang halaga ang P100-B insertion ng pangulo sa 2025 budget.
Binanggit rin ng dating mambabatas ang nasa P97-B flood control insertion na inilagay sa NEP ng 2026 national budget.
Nilinaw nito na hindi siya nakikialam sa mimsong proseso ng paghahatid ng pera kung saan dumadaan lamang aniya sa kanya at kaagad na inihahatid kay Romualdez















