-- Advertisements --

Inilipat sa bagong venue ang ilang sports sa Southeast Asian (SEA) Games sa Thailand.

Mula sa dating Songkhla ay inilipat ang boxing event at ilang sports sa Bangkok dahil sa malawakang pagbaha.

Pinangangambahan kasi ng mga opisyal na magkaroon ng outbreak ng sakit dahil as malawakang pagbaha.

Ilan sa mga sports na nailipat sa ay ang Group B ng men’s football, chess, karate, wrestling, wushu, pencak silat, judo, kabbadi at petanque.

Magaganap ang SEA Games mula Disyembre 9 hanggang 20.