-- Advertisements --

Tinambakan ng Gilas Pilipnas ang Guam 87-46 sa pagsisimula ng unang window ng FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers.

Nanguna sa panalo si Justin Brownlee na nagtala ng 22 points sa laro na ginanap sa Calvo Field House sa Guam.

Nagtala naman ng 10 points si Dwight Ramos habang mayroong walong puntos at 10 rebounds si June Mar Fajardo at walong puntos at walong rebounds naman ang naitala ni AJ Edu.

Ang panalo ay isang magandang panimula para kay Quentin Millora Brown na ngayon lang nakasama sa national basketball team kung saan mayroon itong naitalang anim na puntos at 10 rebounds.

Mula sa simula ay hindi na hinayaan pa ng Gilas na makalamang pa ang Guam.

Paghahandaan naman ngayon ng Gilas Pilipinas ang ikalawang laban nila ng Guam na gaganapin naman sa Blue Eagles Gym sa Disyembre 1.