Itinanggi ng Saudi Arabia na nakipagpulong ang kanilang Crown Prince kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Sinabi ni Saudi Foreign Minister Prince Faisal bin Farhan, na walang nangyaring pagpupulong kahit na noong bumisita si US Secretary of State Mike Pompeo.

Tanging opisyal aniya ng Saudi at American ang nasa pulong noong mga panahong iyo.

Nauna rito maraming mga ulat na lumabas na nakipagpulong ang Crown Prince kay Netanyahu.