-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mayroong sapat na pondo ang pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na maswerte ang kanilang departamento dahil maituturing na malaki ang pondong inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga OFWs.
Ayon kay Sec. Bello, mayroong inilaang P5 billion sa kanilang hanay para sa repatriation ng mga OFWs.
Habang sa ilalim ng Bayanihan I ay mayroong P1 billion.
Dahil dito, naniniwala si Sec. Bello na sapat na ito para tugunan ang pangangailangan ng mga OFWs, hindi lamang para sa repatriation kundi para na rin sa reintegration ng mga ito.