-- Advertisements --

Panahon na para magkaroon ng master plan para tugunan ang mga nararanasang pagbaha dito sa kalakhang Maynila.

Tugon ito ni Manila Representative Joel Chua ng tangungin kaugnay sa nararanasang malawakang pagbaha sa Maynila ngayong araw dahil sa  malakas na buhos ng ulan.

Sa isang panayam, binigyang diin ni Chua na mas maganda na simulan na ang pag-aaral at kung mayruon ng  magandang master plan ay dapat ipatupad na ito ng sa gayon masolusyunan na ang problema sa pagbaha.

Ipinunto din ng Kongresista na hindi lahat pwede isisi sa flood control project ang nararanasang pagbaha sa Metro Manila.

Aniya, batay sa isang pag-aaral 70% ay mga basura ang nagiging sanhi ng malawakang pagbaha at ang paninirahan ng mga kababayan natin sa danger zone.

Sa panig ng Maynila, aminado si Chua na medyo makaluma na ang mga drainage system ng lungsod.

Ayon kay Chua, hindi lahat ng inilalaang pondo ng gobyerno ay nakatutok sa flood control kundi dapat magkaroon din ng iba pang solusyon.

Nanawagan ang kongresista sa mga kababayan natin na maging responsable at magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura.

Kontrobersiyal ngayon ang isyu ng flood control project dahil sa mga nadiskubri na palpak o sub standard ang mga proyekto at mayruon pa na ghost project.