Dinaluhan ng libu-libong katao ang isinagawang prusisyon ng pasasalamat sa Poong Hesus Nazareno sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Police District umabot sa higit kumulang walong libong deboto ang nakiisa sa naturang prusisyon.
Anila’y nagdeploy sila ng higit 500 daan miyembro ng kapulisan upang maseguro ang kaayusan at maipakita ang kanilang presensya.
Nag-umpisa ang ‘Thanksgiving Procession’ bandang pasado alas-onse ng gabi kahapon sa simbahan ng Qiuiapo.
Ito’y mas maaga kumpara sa naanunsyong skedyul na dapat sana’y alas-dose ng hatinggabi ayon sa pamunuan ng simbahan.
Sa pagsisimula, kapansin-pansin ang ginamit na karosa para sa imahe ng Poong Hesus Nazareno.
May ilaw ito sa loob lulan o sakay ng isang truck kung kaya’t wala ng nakalagay na bulid para hilahin pa ng mga deboto.
Sa ilang kilometrong tinahak ng prusisyon paikot ng Quiapo, lungsod ng Maynila, wala ng nagsiakyatan deboto bagkus naghagi na lamang ng kani-kanilang mga panyo.
Batay sa impormasyon, tumagal ang prusisyon ng higit isang oras at kalahati na siyang nagtapos rin pabaik sa simbahan ng Quiapo.
Habang para sa selebrasyon ng Nazareno 2026, nakalatag na ang mga gaganaping aktibidad at programa para rito.
Simula ngayong araw hanggang ika-walo ng Enero, magkakaroon ng mga misa nobenaryo para sa karangalan ng Poong Jesus Nazareno.
Magkakaroon din ng oras-oras na misa sa makalawa ng Enero, unang Biyernes sa taong 2026.
Sumunod na araw naman isasagawa ang pagbabasbas sa mga replika ng Jesus Nazareno pati estandarte ng mga deboto.
Kung kaya’t may paalala si Alex Irasga, Technical and Procession Management Adviser ng Quiapo Church sa mga deboto.
Ilan pang mga aktibidad ang nakatakdang ganapin habang ang pinakapagdiriwang o ang Traslacion ay sa ika-siyam ng Enero isasagawa.
Mahigpit na sinabi naman ng pamunuan na ipinagbabawal rin ang pagsampa, pag-akyat o pagtalon sa mismong Andas ng Poong Hesus Nazareno.















