CENTRAL MINDANAO – Nasa maayos ng kondisyon ang siyam na buwang sanggol na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Cotabato City.

Sa ulat ng Department of Health (DOH-12), ang sanggol ay unang nagpositibo sa nakakahawang sakit noong Mayo 20 pagkatapos makasalamuha ang isang batang babae na COVID patient.

Sa pangalawang swab test sa sanggol ay negatibo ang resulta nito.

Napag-alaman na siyam sa 14 na COVID positive patients sa Cotabato City ang gumaling na.

Sa datos ng DOH, umaabot sa 39 ang COVID-19 cases sa Region 12 at 22 sa kanila ang gumaling na.