Binatikos ni House Minority Leader Sandro Marcos ang mga naging pahayag ni Senador Imee Marcos laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Araneta-Marcos, na tinawag niyang ”web of lies” at walang basehan.
Ayon kay Sandro masakit para sa kanya na umabot na sa puntong pati siya ay nadadamay, at iginiit na kaya nilang patunayan ng kanyang mga pinsan na hindi totoo ang mga pinupukol sa kanila.
‘My cousins Borgy, Vice Gov. Matthew, and Atty. Michael can attest that these allegations that were insinuated against me are false,’ pahayag ni Sandro.
‘It pains me to see how low she has gone to the point that she resorts to a web of lies aimed at destabilizing this government to advance her own political ambitions. To further repeat an accusation against President Bongbong Marcos and the First Lady (and for the first time ever myself) that is not only false, but dangerously irresponsible. Sa lahat po ng binanggit ni senadora, walang basehan, walang katotohanan, at walang magandang idudulot sa bayan,’ ani pa Sandro.
Magugunitang sa anti-corruption rally ng Iglesia ni Cristo (INC) noong Lunes, Nobyembre 17, nagpahayag ng matinding galit si Senador Marcos matapos umanong alukin ng ilegal na droga ang kanyang mga anak ng ilang miyembro ng First Family.
Ibinunyag din nito ang umano’y matagal na problema sa droga ng kanyang kapatid na si Pangulong Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at kanilang mga anak.
Ayon pa sa Senador, napilitan siyang magsalita matapos umanong makarating sa kanya na inaalok na rin ng droga ang kanyang sariling mga anak.
Ngunit para kay Rep. Sandro Marcos nakakalungkot na ginagamit umano ng Senadora ang isyu para magdulot ng destabilisasyon.
‘Hindi ito asal ng isang tunay na kapatid,’ dagdag ng Kongresista.
Umapela din ang Kongresista ng pagkakaisa at hinimok ang publiko na huwag magpagamit sa mga naratibong maghasik ng gulo.














