Hangad ng mga tinaguriang key player para sa panalo ng Pilipinas sa The Hague arbitral tribunal na masundan pa ang mga hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte, para sa patuloy na ipinaglalaban ang karapatan sa West Philippine Sea.
Ayon kay dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, positibong development ito, lalo’t ginawa ng Pangulo ang kauna-unahang statement para sa The Hague ruling, sa mismong UN General Assembly.
“We are heartened to know that he is not at all impervious but listens to the will of his countrymen,” wika ni Del Rosario.
Naniniwala si Del Rosario na ginawa ng chief executive ang nararapat para sa ating ipinaglalabang teritoryo.
Ikinagalak din nito ang pakikiisa ng ibang mga bansa para suportahan ang ating claims sa West Philippine Sea.