-- Advertisements --

Tinanggihan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159 ang bail petition ni Pastor Apollo Quiboloy para sa kasong qualified trafficking para sa sexual abuse at labor exploitation case.

Batay sa 23 pahinang kautusan ng korte, ibinasura ng Pasig RTC Branch 159 ang magkahiwalay na petisyon na inihain ni Quiboloy, Sylvia Cemañes, Paulene Canada, Jackielyn Roy, Cresente Canada, at Ingrid Canada.

Binigyang diin rin ng korte , ang resolusyon na ito ay hindi naman nagdedetermina ng pinaka resulta ng kaso laban ki Quiboloy at iba pang akusado.

Ikinatuwa naman ng kampo ng mga complainant ang desisyon ng korte na huwag aprubahan ang inihaing bail petition ng kampo ni Quiboloy.