Iniulat ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines na nasa maayos na kalagayan ang lahat ng kanilang mga transmission lines.
Ito ay matapos na maranasan ang epekto ng nagdaang bagyong Crising at Habagat .
Sa kabila nito ay tiniyak ng ahensya na patuloy ang kanilang monitoring sa epekto ng habagat sa bansa partikular na sa kanilang mga linya.
Ayon sa ahensya, as of 21 July 2025, nananatiling normal at stable ang kanilang grid operations mula Luzon, Visayas, at Mindanao.
Nakahanda rin itong i activate ang operasyon ng kanilang overall command center(OCmC ) sakaling magkaroon ng panibagong banta satransmission operations dulot ng mga pag-ulang dala ng habagat at iba pang weather disturbance.
Tiniyak rin nito sa publiko na nananatili silang committed sa pagsisiguro sa pagpapanatili ng grid stability, readiness, at quick response.