Nagbabala ang MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) na posibleng tumaas ang presyo ng kuryente sa Visayas dahil sa sunod-sunod na yellow alert status na inilabas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) noong nakaraang buwan.
Ayon sa kumpanya, hindi lang ang Iloilo City o lalawigan ng Iloilo ang naapektuhan ng apat na yellow alert advisories mula Agosto 1 hanggang 6, kundi ang buong Visayas.
Ipinaliwanag niya na ang yellow alert ay nangyayari kapag ang supply ng kuryente ay mas mababa kaysa sa kapasidad ng pinakamalaking power plant ng NGCP, kaya’t hindi natutugunan ang demand.
Umabot na kasi sa 2,475 megawatts (MW) ang nako-konsumo ng Visayas, ngunit 2,528 MW lamang ang available na supply, na may manipis na margin na 53 MW (napakakritikal na antas).
Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na 14 na planta ng kuryente, kabilang ang mga coal plant, ang naka-offline sa pagitan ng Agosto 1 hanggang 6.
Bilang isang power distribution utility, umaasa ang MORE Power sa mga plantang ito para sa kanilang suplay.
Tiniyak naman ng kumpanya na binabantayan nila ang presyo mula sa suppliers upang unti-unting bumalik sa normal ang singil sa kuryente sa Iloilo City.