-- Advertisements --
Sisimulan na ng San Juan City Government at Manila City government ang pagpapabakuna sa mga senior citizens.
Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na mula pa noong Marso 27 ay mayroon ng 3,375 na mga health workers ang kanilang nabakunahan.
Sa araw naman ng Martes o sa Marso 30 sisimulan ng San Juan ang kanilang pagpapabakuna.
Habang sa Manila City government ay sinimula na ang pagpapabakuna sa mga senior citizens.
Unang nakatanggap ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ay mga senior citizend ng Brgy. 163 na ito ay pinangasiwaan ni Vice Mayor Dr. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan.