-- Advertisements --
Panlilio swimsuit and gown

Bigong makapasok sa Top 20 ang pambato ng Pilipinas na si Samantha Panlilio sa finals night ng Miss Grand International na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Kabilang sa mga kandidadto na pasok sa Top 20 ang Costa Rica, Ecuador, France, Australia, Malaysia, Brazil, India, Colombia, Myanmar, Netherlands, Nigeria, Germany, Indonesia, Spain, Dominican Republic, Vietnam, Puerto Rico, Venezuela, South Africa at Angola.

Bago natanggal sa patimpalak ay pasok pa ito sa Top 10 best in national costume at Top 5 sa best in swimsuit sa pamamagitan ng popular vote.

Si Panlilio ay kabilang sa 10 candidates na mayroong pinakamataas na boto para sa Best National Costume round.

Kung maalala si Samantha ay kinoronahang Binibining Pilipinas Grand International noong buwan ng Hulyo.

Kapag nanalo si Samantha, siya sana ang kauna-unahang Pinay na mag-uuwi ng Miss Grand International crown.