-- Advertisements --
Humihirit ng taas presyo ang grupo ng mga gumagawa ng sardinas sa bansa.
Ayon kay Canned Sardines Association of the Philippines executive director Francisco Buencamino, na labis silang naapektuhan sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa na ginagamit ng mga mangingisda.
Hindi pa rin aniya sila nakakabawi noong panahon ng pandemya kaya napapanahon na dapat magtaas ng presyo sa kanilang produkto.
Naghain na sila ng dagdag na P3.00 na taas presyo sa Department of Trade and Industry kung saan umaasa ito na maaprubahan ng DTI ang ka nilang hiling.