IMG 20190919 144553 1
DoJ usec. and Spokesman Markk Perete

Lalo pang lomobo ang bilang ng mga sumukong napalayang inmates na nakinabang sa good conduct time allowance (GCTA) Law kahit natapos na ang ultimatum ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakalipas na Biyernes.

Ayon kay DOJ undersecretary at Spokesman Markk Perete, nitong araw ng Sabado ay nasa 130 pang dating convicts ang sumuko sa mga otoridad.

Dahil dito, sinabi ni Perete na mula sa kabuuang bilang na 2,009 na sumuko kahapon ay pumalo na ngayon sa 2,139.

Kabilang na rito ang 236 na nasa kustodiya ng PNP na dadalhin sa BuCor facilities.

Maalalang sa inilabas na listahan ng BuCor, aabot lang sa 1,914 ang maga dapat sumuko pero ngayon ay mahigit 2,000 na.

Patuloy pa rin naman umanong biniberipika at nililinis ng BuCor ang listahan ng mga inmates na dapat susuko sa mga otoridad.

Una rito, nagpaliwanag ang DoJ sa sobrang bilang ng mga sumuko dahil maaring may mga napalayang inmates ang hindi naman sangkot sa heinous crimes.