Tinutulan ng Russia ang pangakong security guarantees ng Western countries para sa Ukraine, base sa ulat ng Russian state media.
Ito ay kasunod ng pangako ni French President Emmanuel Macron na pormal ng nag-commit ang 26 na kaalyadong Western countries na magpadala ng kanilang mga tropa sa pamamagitan ng land, sea o air, sa Ukraine isang araw matapos mapagkasunduan ang posibleng ceasefire o tigil putukan.
Subalit iginiit ng Moscow na walang Western forces ang dapat na ideploy sa Ukraine at dapat na isa ito sa mga bansa na kumilos bilang guarantors, isang ideya na tinutulan ng Kyiv at mga kaalyado nito.
Sa remarks na inilabas ng Russian state media, kinuwestiyon ni Kremlin spokesperson Dmitry Peskov kung masisiguro ba ng mga kaalyado ng Ukraine na Amerika at Europa ang pagbibigay ng security guarantees para sa Ukraine gayundin ng military contingents, at sinabi na malamang ay hindi.
Subalit ayon kay UK Prime Minister Sir Keir Starmer, hindi natitinag ang pangako ng western allies na sinusuportahan ng US at kinalampag ang Russia na waksan na ang giyera.