-- Advertisements --

Nakahanda ang Russia sakaling giyerahin sila ng mga bansa sa Europa.

Ayon kay Russian President Vladimir Putin, na makailang ulit na niyang sinabi na ayaw nilang magkaroon ng giyera sa Europe subalit kung ipipilit nila ay nakahanda sila.

Inaakusahan kasi ni Putin ang mga bansa sa Europe na hinaharang ang peace efforts na isinusulong ni US President Donald Trump.

Malinaw din aniya na kinakampihan ng European Countries ang Ukraine kaya hindi matapos-tapos ang giyera.

Magugunitang makailang ulit na ring humihingi ng tulong si Ukraine President Volodymyr Zelensky sa mga bansa sa Europe para tuluyang talunin ang Russia.