-- Advertisements --
Mariing pinabulaanan ng Russia ang alegasyon ng ilang bansa na nagpakalat sila ng hackers para sa coronavirus vaccine research.
Sinabi Russian spokesman Dmitry Peskov, na wala silang impormasyon kung sino ang nasa likod ng paghack sa mga pharmaceutical companies at research centers sa Britain.
Dagdag pa nito na hindi nila tinatanggap ang akusasyon ng wala man lang mabigat na ebidensiya.
Maging ang ibinibentang sa kanila ng pangingialam noong 2016 election sa US ay kanilang pinabulaanan.
Magugunitang ibinunyag ng United Kingdom, US at Canada na may mga Russian hackers ang nagtarget sa mga laboratoryo na gumagawa ng mga bakuna sa coronavirus.