-- Advertisements --

Isiniwalat ni Vice President Sara Duterte na hindi lang umano sangkot sa korapsyon sa flood control projects si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kundi pati rin sa illegal gambling.

Ayon kay VP Sara, simula nang maupo sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa, naririnig na nila ang umano’y pagde-deliver ng pera na nakalagay sa maleta. 

Ngunit, aniya ngayon lang ito nasiwalat dahil may isang witness ang lumantad sa ikinakasang mga pagdinig ukol sa korapsyon sa mga proyekto ng pamahalaan. 

Dgadag pa ni VP Sara, hindi na rin umano kakaiba para kay Romualdez ang ganitong mga kalakaran dahil nasangkot na rin ang kongresista sa Okada case. 

Hindi na rin daw nasurpresa pa si VP Sara na sangkot ang kongresista sa korapsyon. 

Samantala, Ibinahagi ni VP Sara na nakararamdam ng pag-aalala si dating Pangulong Duterte dahil sa umano’y korapsyon sa flood control projects sa bansa. 

Nang matanong si VP Sara kung bakit nakararamdam ang dating pangulo ng pag-aalala, sinabi ni VP Sara, “sasabihin lang naman ni PRRD na sinabi ko na si BBM ay hindi marunong, he is a weak leader and he doesn’t know anything at all about governance,’ saad ni VP Sara. 

Nang matanong din mismo si VP Sara kung siya mismo ay nakararamdam din ng pag-aalala, sinabi niyang “Hindi naman masama ang loob ko sa ginawa nila sa paninira sa pangalan ko e. Masama ang loob ko dahil sa ginawa nila sa bayan,” dagdag ni VP Duterte.