SAN ANTONIO – Pinahiya ng husto ng Houston Rockets ang San Antonio Spurs matapos tambakan sa Game 1 sa score na 126-99 sa pagsisimula ng semifinals sa Western Conference.

Ipinatikim ng Houston sa Spurs ang worst loss sa series opener sa ilalim ni coach Gregg Popovich.

Nanguna sa opensa ng Rockets si Trevor Ariza na may 23 points at si James Harden na nagdagdag ng 20 points at 14 rebounds.

Anim sa mga players ng Houston ay nagtala ng double figures, kabilang na ang 20 points at  13 rebounds na ipinakita ni Clint Capela.

Walang patawad ang Rockets dahil sa inabot pa sa 39 points ang kanilang kalamangan at maging sa first half pa lamang ay umabanse kaagad sa 30 points at hindi na lumingon pa hanggang sa matapos ang game.

Hindi kinaya ng Suns ang pagpapaulan ng Rockets ng 22 mga 3-pointers mula sa 50 attempts.

Pinakamarami rin itong nagawa ng isang kalaban na team sa postseason history ng Spurs.

Nasayang ang double-double ni Kawhi Leonard na may 21 points, 11 rebounds at 6 assists.

Si Tony Parker ay meron lamang 11 points at si Danny Green ay nagkasya sa walong puntos.

Ang Game 2 ay gagawin sa Huwebes sa teritoryo na ng San Antonio.