HOUSTON – Nakaganti rin ang Houston Rockets sa dalawang magkasunod na pagkatalo upang itabla ang serye sa 2-2 laban sa San Antonio Spurs sa Western Conference semifinals series.

Nagpaulan ng three point shots ang Rockets mula sa third quarter sa pangunguna ni James Harden at hindi na lumingon pa para selyuhan ang score sa 125-104.

Nagtapos sa game ang MVP candidate na si Harden na may 28 points at 12 assists.

Malaking tulong din sa team si Eric Gordon sa pamamagitan ng 22 puntos.

Naipasok ng Rockets ang 19 na three pointers mula sa 43 attempts, kung saan anim sa mga pumasok ay nagmula kay Gordon.

Abanse ang Rockets ng 15 points sa pagpasok sa fourth quarter at kaagad na nadagdagan nang makagawa ng 3-pointer si Gordon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here