Doble kayod ngayon ang Houston Rockets upang punan ang nalalabi pang pwesto para makompleto ang koponan.

Sinasabing target ng Rockets na mapapirma na rin ng kontrata ang 33-anyos veteran forwards na sina DeMarre Carroll at Jeff Green.

Ayon sa ulat ng ESPN si Green ay isa ng free agent at lalagda muna ng 10-day contract.

Habang si Carroll ay pumayag naman sa contract buyout mula sa  San Antonio Spurs.

Una rito binitawan ng Rockets sa trade ang center na si Clint Capela patungong Atlanta Hawks para makuha ang forward na si Robert Covington.

-- Advertisement --

Sinasabing kung mabuo raw ng Houston ang mga plano maituturing sila sa isa sa smallest rosters sa liga.

Si Green ay dating bahagi ng Jazz pero binitawan noong buwan ng Disyembre.