Inanunsiyo ng actor na si Rocco Nacino na engaged na sila ng nobyang si Melissa Gohing.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan ng engagement nilang dalawa.

Napapaligiran aniya ito ng bulaklak at ilaw.

Noong nakaraang araw lamang ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikatlong taon na pagiging magkasintahan.