Sasailalim sa 14-day quarantine si Vice President Leni Robredo matapos na isa sa kanyang close-in security personnel ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Robredo na paalis na sana siya papuntang Bicol pagkatapos ng kanilang operasyon sa Swab Cabs para pumunta sa lamay ng kanyang kaibigan na pumanaw dahil sa cancer.

ROBREDO EKONSULTA OVP LENI

Subalit nakatanggap siya ng tawag kung saan nalaman niyang nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanyang close-in security, na madalas niyang nakakasama sa sasakyan at sa opisina nitong linggo.

Natuklasan aniya nila ang ito sa tulong na rin ng kanilang regular surveillance antigen testing sa kanyang opisina.

“VP Leni was tested yesterday in compliance with protocol in preparation for her scheduled trip to Bicol. Her results came back negative, but one of the security officers that was supposed to accompany her, and with whom she had been in contact with, tested positive,” statement of OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez. “Following protocol, she has gone into quarantine for the mandated seven (7) day period, after which she will again be tested. She is showing no symptoms, and will continue to supervise all operations — including Bayanihan E-consulta and the Swab Cab — from quarantine. She is thankful to all those who have expressed their concern.”

Kamakailan lang ay inilunsad ng opisina ni Robredo ang isang mobile Swab Cab na nag-aalok ng libreng antigen COVID-19 tests sa mga lugar na mayroong mataas na COVID-19 cases.