Personal na sinagot ni Vice Pres. Leni Robredo ang isang netizen na kumwestyon sa nakaraan niyang biyahe patungong Sydney, Australia.

Dumepensa si Robredo at sinabing hindi sagot ng gobyerno ang kanyang pribadong lakad, gayundin na may authorization siya mula sa Malacañang.

Sa Facebook post, kinuwestyon ng isang Benjie Daisy Contreras ang biyahe ng bise presidente at tinanong kung ginastusan ba ito ng gobyerno o nakapag-uwi ba ang opisyal ng investments mula sa kanyang speaking engagement.

Humirit pa ang naturang online user na hindi talaga business event, kundi kasal ang dinaluhan ng pangalawang pangulo.

“Did she get any pledges or investments from the APBC so she can help the Philippine economy? Is her travel, personal or official? Did she spend private or public fund on her travel?” ani Contreras.

Ipinakita ni Robredo ang larawan ng kanyang authority to travel mula sa Office of the President na may lagda ni Senior Deputy Executive Sec. Michael Ong.

“(I) am attaching my Authority to Travel issued by the Office of the President which clearly indicates that the trip was private in nature and at no cost to the government,” ani Robredo.

“It is true that the Main Purpose of my visit was my Keynote Address before the Australia Philippines Business Council. It was an invitation from many months ago.”

“In fact, APBC President Ed Alcordo, personally visited me at the office to relay the invitation.”

“Before the main event, I had a closed door meeting with CEOs and other representatives of Australian Companies who already have investments in the Philippines and are still thinking of expanding and other companies who are in the process of studying whether or not to put some investments in the Philippines.”

Inamin naman ng bise na may dinaluhan siyang kasal ng dalawang Pilipino noong October 11, pero iginiit nito na ang imbistasyon sa kanya ng Australia Philippines Business Council ang pinaka-rason ng paglipad niya sa Australia.