Asek
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang riding in tandem suspects nang gantihan sila ng kanilang mga biktima sa lalawigan ng Maguindanao.

Hindi pa tukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek na napatay.

Ayon sa ulat ng pulisya na dinikitan ng riding in tandem suspects ang isang SUV sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Ngunit pawang mga armado rin ng armas ang nasa loob ng sasakyan kaya gumanti ito ng putok sa mga suspek.

Patay on the spot ang isa sa mga suspek habang ang isa ay dead on arrival sa pagamutan.

-- Advertisement --

Isa naman ang napaulat na sugatan sa mga sakay ng SUV na dinala sa pagamutan sa Cotabato City.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng DOS PNP sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Rommel Delavega sa naturang pangyayari.