-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Daan-daang mga motorcyclist ang nakilahok sa isinagawang Ride for Peace – Fun Ride ng 34th Infantry Battalion Philippine Army.

Abot sa 300 motorcycle enthusiasts mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cotabato ang sumali kung saan nilibot nito ang ruta mula sa Midsayap – UK Peak, Aleosan – Pikit – Kabacan at Carmen Cotabato.

Ayon kay 34th IB Commander Lt. Col. Glenn Caballero, layon ng naturang aktibidad na maisulong ang kapayapaan sa pamamagitan ng pakikiisa at pakikipag-unayan sa iba’t ibang organisasyon.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Caballero sa dami ng mga nakilahok sa kabila ng banta ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Siniguro naman ni Caballero na nasunod ang mga panuntunang pangkalusugan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 sa pagsasagawa ng fun ride.

Kasama sa mga sumuporta at nakilahok sa Ride for Peace – Fun Ride ng 34th IB ay ang mga miyembro ng PPALMA Citizens Against Crime and Violence sa pangunguna ni dating Board Member Rolly ‘Ur da Man’ Sacdalan, lokal na pamahalaan ng Libungan sa pangunguna ni Mayor at PALMA-PB Alliance Chairman Christopher ‘Amping’ Cuan at iba’t ibang mga motor clubs tulad ng Sniper Club 150i YSMX, NMax Club Philippines PPALMA-PB, Tropaps Riders Group Phils. (TRGP), Clean Riders Group Phils. (CRGP), Sagip Riders Club, Lady Rider Club PPALMA, Search and Rescue Riders Club Phils. (SARRC), Russian Riders Club Phils. (RRCP) at Lady Rider Region XII.

Naging masaya naman at naging matagumpay ang ginawang aktibidad na ito at umaasa ang mga nakilahok na magkakaroon pa nito sa mga susunod na mga panahon.