-- Advertisements --

Pormal nang nilagdaan ni Department of Education ang revised IRR ng Anti-Bullying Act of 2013 (RA 10627).

Layon ng hakbang na ito na palakasin pa ang kampanya ng departamento laban sa bullying na madalas rin na mangyari sa mga paaralan.

Kaugnay nito ay muling hinimok ng ahensya ang mga biktima ng bullying na huwag mag-atubiling ipaalam ang kanilang karanasan sa kinauukulan.

Mangyari lamang na magsumbong sa guro, principal, Learner Formation Officer, o Disciplining Authority ng paaralan.

Kung ayaw magpakilala ay pinapayagan rin ang anonymous reporting.

Sa ilalim ng Revised IRR ng Anti-Bullying Act, may 30 araw ang w ang paaralan upang imbestigahan at resolbahin ang kaso.

Maaaring umapela ang biktima kung hindi sumasang-ayon sa resulta habang kailangang itong ipatupad sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan maging sa mga community learning centers.