ILOILO VICTIM
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umalma ang retiradong pulis matapos ang naranasang trial by publicity matapos umanong bugbugin ang kapitbahay na buntis na ikinamatay nito at ng kanyang 6-month old na sanggol sa Boulevard, Molo, Iloilo City.

Ang biktima ay una nang nakilala na si Lorry Mae Baylon, 27.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay retired police Staff Sergeant Joseph Agana, sinabi nito nagkasagutan sila ni Baylon matapos sinita nito ang pag-iingay ng kanyang mga anak sa harap ng kanilang tindahan.

Sa halip na tumahimik, kumuha umano ang biktima ng itak at naghamon ng away ngunit nagawa nila itong maagaw ng kanyang misis na si Chona Agana.

Nilinaw ng retiradong pulis na hindi totoo na binugbog nila ang biktima taliwas sa akusasyon ng anak ni Baylon na pinagtulungang gulpihin ang kanyang ina hanggang sa dinugo at nanganak ng wala sa oras.

-- Advertisement --