-- Advertisements --

Inatasan ng korte na makalaya si retired Major General Carlos Garcia.

Ayon sa Bureau of Correction na natapos na nito ang kaniyang sentensiya dahil sa kaniyang good conduct time allowance credits.

Inaprubahan naman ni Justice Secretary Crispin Remulla ang ang pagpapalaya kay Garcia matapos ang na kuwentahin ang knaiyang 3,288 GCTA credits base na rin sa ilalim ng Republic Act 10592.

Base kasi sa record ng BuCor na mayroong 18 taon at apat na buwan na hatol si Garcia at nakasaad sa kaniyang GCTA credits ay natapos na nito ang hatol.

Nailipat si Garcia sa NBP noong Setyembre 16, 2011 pero ang kaniyang aktual na pagkakakulong ay nagsimula pa nong Hunyo 2005 na nagsilbi ito ng kabuuang 17 taon limang buwan at walong araw sa kulungan.

Paglilinaw naman ni BuCor director general Gregorio Catapang na wala ng legal grounds para makulong pa sa NBP si Garcia.

Noong Hulyo 5, 2022 ay hinatulan ng Sandiganbayan Second Division si Garcia ng maximum na 14 taon na pagkakakulong dahil sa pagkamal ng P303 milyon na yaman noong ito ay nakatalaga sa military comptroller; 4-8 taon naman na sa direct bribera at 4-6 taon naman na pagkakakulong dahil sa pangangasiwa ng money laundering.

Inatasan din ito ng korte na magbayad ng P407.8 milyon.

Sa orihinala na kaso ay kasama ang asawa nitong si Clarita at mga anak na sina Ian Carl, Juan Paulo at Timothy Mark sa kasong plunder noong Abril 2005 at money laundering noong Nobyembre 2009.

Naghain ng plead guilty si Garcia sa mas mababang kaso ng direct bribery at facilitating money laundering.

Sa plea bargaining agreement sa Office of the Ombudsman na inihain sa Sandiganbayan noong Marso 2010 ay pinagbayad si Garcia na bayaran ang gobyerno ng P135.4 milyon na halaga ng cash, real at personal properties.

Kinuwestion ng OSG ang agreement sa pamamagitan ng paghain ng petisyon sa Korte Suprema subalit ito ay ibinasura noong Setyembre 2020 kung saan ang dismissal ay final at executory noong Hulyo 2021.

Ang kaso naman sa kaniyang asawa at mga anak ay muling mabubuhay kapag sila ay naaresto o sumuko.