Umaasa si Senate President Pro Tempore Ping Lacson na higit pang paiigtingin ang kampanya laban sa korapsyon sa pagpasok ng bagong taon.
Naniniwala si Lacson na ito ang pangunahing ninanais ng mga Pilipino mula sa kanilang mga pinuno at mga lingkod-bayan, lalo pa at mas nagiging mulat at kritikal na ang publiko sa mga isyu ng katiwalian sa gobyerno.
Binigyang-diin ni Lacson na mahalaga ang transparency at accountability sa pamahalaan.
Tinitiyak ni Lacson at ng kanyang buong team na aktibo silang magbibigay ng mahalagang impormasyon sa publiko tungkol sa mga kaso ng korapsyon na kanilang iniimbestigahan at binabantayan.
Ito ay upang masiguro na may pananagutan ang mga sangkot sa anomalya.
Umaasa rin si Lacson na mas mapapakita at mapapatunayan ng administrasyong Marcos ang kanilang dedikasyon at seryosong pagtugon sa paglaban sa korapsyon sa nalalabi pang mga taon ng panunungkulan ng kasalukuyang Pangulo.
Aniya, ang paglaban sa korapsyon ay isang tuloy-tuloy na proseso na nangangailangan ng matibay na paninindigan at konkretong aksyon mula sa lahat ng sangay ng gobyerno.














