BUTUAN CITY – Balik-operasyon naang Walwal grill and resto bar sa Bayugan City, Agusan del Sur matapos na temporaryo itong isinara sa loob ng isang araw dahil kumalat ang sex video na kuha mismo sa loob ng palikuran nga mga babae.

Napag alamang nag viral ang nasabing sex video sa isang babae at sa di umano co-proprietor ng bar na nakunan ng video ng hindi pa kilalang responsableng nakapwesto sa kisame ng nasabing palikuran.

Nang makarating sa kanyang tanggapan nii Bayugan City Mayor Kirk Asis ang naturang balita ay kaagad na nagbaba ng temporary closure order habang isinasagawa ang inspeksyon na parte ng imbestigasyon kasama ang mga pulis, mga personahe ng City Health Office at Bureau of Fire Protection kung saan kaagad na tinakpan ang kisame upang masiguro ang privacy sa gagamit ng nasabing palikuran.

Nagpapasalamat naman ang isa sa mga proprietors na si Rolly Juntilla sa tsansang ibinigay ni Mayor Kirk Asis sa kanila kapalit ng mandato na kailangang makumpleto ang kanilang dokumento upang makapag operate.