Tuluyang ipinasara ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang isang resort na nadiskubreng nag-ooperate at lumalabag sa health protocols.

sinabi ng alkalde na bukod sa pagpapasara ay kaniyang kakasuhan ang mga barangay opisyal at may-ari ng Gubat sa Ciudad resort dahil sa pagpapabaya ng operasyon.

Magugunitang kumalat sa video ang siksikang naliligo sa swimming pool ng resort ang mga tao bilang pagdiriwang ng Mother’s Day.

Kasalukuyan kasing nasa general community quarantine ang National Capital Region na pinagbabawal ang pag-ooperate ng mga resorts.