TACLOBAN CITY – Naghain ng petisyon sa Korte Suprema si Leyte 3rd District Rep. Vicente “Ching” Veloso para sa issuance ng writ of habeas data matapos mapasama sa narcolist noong nakaraang mga buwan.

Una rito, iginiit ni Veloso na sinabihan siya ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino na sa Malacañang nanggaling ang naturang narcolist.

Kaya naman sinabi ng kongresista na malaki ang magiging pananagutan ni Aquino sa kanyang naging pahayag.

Mismo ang Malacañang ang nauna nang nagsasabi na wala itong kinalaman sa inilabas na narcolist.