(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi nilalayo ni Deputy House Speaker Rufus Rodriguez na maaring mayroong motibo ng politika kung bakit hinagisan ng granada ang garahe na bahagi ng kanilang ancestral house sa Barangay Nazareth,Cagayan de Oro City kaninang madaling araw.
Ito ang dahilan na humingi ng tulong ang kongresista kay City Police Director Col Aaron Mandia na imbestigahang mabuti ang nasa likod nang paghagis ng eskplosibo sa kanilang bahay kung saan naroon ang mga kaanak at nasasakupan nito sa trabaho.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Rodriguez na bagamat wala umano siyang natanggap na anumang death threats simula noong pumasok ito sa politika subalit inamin nito na hindi lalayo na ‘politically related’ ang pangyayari.
Sinabi ni Rodriguez na bunsod ito ng kanyang muling pagtakbo sa 2022 elections subalit hindi nga lamang tukoy kung gusto nito ng re-election o kaya’y sa local position katulad ng pagka-alkalde sapagkat nasa last term na ang kontrobersyal na sa City Mayor Oscar Moreno.
Maugong kasi na posibleng isa si Rodriguez na tatakbo na alkalde dahil mayroong ilang grupo ang nanghihikayat para sa mababakante na local position.
Bagamat inamin ng kongresista na bukas ito subalit magde-depende umano sa magiging political alliance consultation nila ng partido Padayon Pilipino ni Misamis Oriental Gov Bambi Emano,Centrist Democratic Party at Bag-ong Cagayan group ni Phividec Administrator Jose Gabriel ‘Pompee’ La ViƱa na itinulak rin na patakbuhin pagka-mayor ng lungsod.
Magugunitang una nang naghayag interes tumakbo pagka-mayor si 3rd termer 1st District Rep.Rolando ‘Klarex’ Uy na alyado ni Moreno ay may malaking kontrol o mayroong malakas na mga botante sa mismo niyang distrito.ng termino pa bilang kongresista ng segundo distrito simula nang makabalik ito sa Kamara noong taong 2019 elections.