-- Advertisements --

Kampante si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na makakakuha ng 1/3 votes ng mga miyembro ng Kamara de Representantes ang articles of impeachment laban kay VP Sara Duterte.

Ito ay upang mapagtibay at maiakyat sa Senado ang impeachment complaint at tuluyan nang masisimulan ang trial.

Ayon kay de Lima, solido ang mga ebidensiyang iprinisenta sa mga serye ng pagdinig ng justice panel, mula pa noong day 1.

Maliban dito, malaking suporta na rin aniya ang 53-0 o 53 committee members na nainiwalang may probable cause sa para ituloy sa trial ang kaso.

Ang unanimous vote sa komite ay nagpapatunay aniya na may matibay na batayan ang reklamo at hindi lamang nakabatay sa haka-haka o speculation.

Sa katunayan aniya, hindi lamang probable cause ang pinapatunayan ng mga ebidensiya, at sa halip ay mas mataas pa na treshold of evidence ang naipresenta sa mga serye ng pagdinig.

Sa ngayon, kailangan na lamang aniyang mapag-aralan ng bawat miyembro ng Kamara ang bubuuing consolidated complaints upang makapagdesisyon bago ito isalang sa plenaryo. (report by Bombo Genesis)