Kinumpirma ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga na natanggap na niya ang subpoenang ipinadala sa kaniya ukol sa kasong sedition at rebellion.
Ito ay kasunod ng criminal complaint na inihain ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa kongresista.
Sa naturang subpoena, kailangang humarap si Barzaga sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City, pagsapit ng Nobiyembre-18 at Nobiyembre-25.
Nakasaad din sa subpoena na walang postponement na ibibigay, maliban lamang kung mayrong ‘exceptionally meritorious’ na magiging dahilan.
Nakasaad din dito na hindi tatanggapin ang anumang motion to dismiss. Ibig sabihin, tanging counter-affidavits lamang ang tatanggapiin mula sa kampo ng kongresista.
Ayon sa Office of the City prosecutor, kung hindi makakapagsumite asi Barzaga ng kaniyang counter affidavit, mangangahulugan itong tinalikuran na niya ang kaniyang karapatang magpresenta ng kaniyang mga ebidensiya upang kuwestyunin ang mga elgasyon laban sa kaniya.
















