-- Advertisements --

Hindi sang-ayon si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa naging desisyon ng Korte Suprema na ipagpaliban ang kauna unahang parliamentary elections sa BARMM.

Bagama’t iginagalang niya ang desisyon ng Korte Suprema.

Ayon kay Adiong, kaisa siya ng mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa hangaring maranasan nila ang mga karapatang garantisado sa Konstitusyon.

Giit ng Kongresista marami ng regional parties ang binuo na nakapili na ng kanilang mga kandidato at nagsimula nang magmobilisa ng kanilang grupo bilang paghahanda sa halalan.

Idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang Bangsamoro Autonomy Act (BAA) Nos. 77 at 58, na bumubuo sana ng bagong parliamentary districts sa BARMM. 

Sa parehong desisyon, inatasan ng Korte Suprema ang Commission on Elections (COMELEC) na isagawa ang halalan hindi lalampas sa Marso 31, 2026.

Ngunit nagbabala si Adiong ukol sa posibleng “judicial overreach” ng Korte Suprema.

Sinabi ni Adiong na hindi dapat ang Supreme Court magtakda ng petsa sa halalan sa BARMM dahil isa na itong anyo ng paggawa ng batas, na tungkulin lamang ng Kongreso ng House of Representatives at ng Senado. 

Dagdag pa ni Adiong na ang pagtakda ng halalan sa Marso bilang epekto ng pagbasura sa BTA Parliament Act 77 ay hindi na saklaw ng judiciary.

Matatandaang nitong Pebrero, inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglilipat ng halalan sa BARMM sa Oktubre 13.

Dagdag pa ni Adiong, halos wala nang oras para magsampa ng temporary restraining order (TRO) o motion for reconsideration (MR) upang kuwestyunin ang desisyon.