-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Columbia University ang kanilang remote classes sa main campus nila sa New York City matapos ang patuloy na kilos protesta.

Isinagawa ang hybrid learning matapos na ilang mag-aaral ang nakaranas ng antisemitic harassment sa nasabing campus.

Aabot naman sa 133 ang naaresto dahil sa pagsasagawa ng protesta sa New York University.

Ilang katao rin ang kanilang naaresto dahil sa mga rally sa Yale, habang sa Harvard ay hinigpitan ang pagpapasok sa campus.

Mariing kinondina na ni US President Joe Biden ang mga nagaganap na antisemitic protests lalo na sa mga hindi nakakaintindi sa tunay na nangyayari sa Palestine.